Biyernes, Disyembre 11, 2009

Why I climb?


Bakit ako nahilig sa mountaineering? Karamihan na sa atin sa community ay nakaakyat na ng bundok. Dahil kamakailan lang nag team building tayo sa summit ng Mt. Manalmon. Kaya lahat tayo, alam natin kung anong pakiramdam being at the top of the mountain. Mt. Manalmon ang isa sa best hiking experience ko, lalo na nung time na nagworship tayo habang nakaharap sa creations ni God. It was such an impelling moment and I can feel the Holy Spirit presence through the strong wind moving around us
Ang first climb ko ay during holy week, nung time na participants pa lang ako ng CLP (Thanks to my faci Ate Carol nakasama ako). Kaya community din ang nag introduce sa akin ng mountaineering.Nung time na yun, it dawned on me that it will be my passion for life. Nung makita ko ung beauty ng vast creation ni God sa taas ng Mt. Manabu I said to myself “Wow grabe, talagang ang galing ni God, no other hands can transpire what I am seeing right now.” After nun, nagkaroon ako ng realization “Paano ko mapapangalagaan yung gandang nakikita ko?.Kaya mula sa araw na yun, itinalaga ko na ang sarili kong Steward of the Earth.
Masaya umakyat ng bundok. Kung nature lover ka kagaya ko, maa-amaze at mag-eenjoy ka sa lahat ng mga bago sa paningin mo na makikita mo along the trail. Marami kang makikilala along the way at the same time malaki ang chances na mas makikilala mo ang sarili mo, on how you would conquer unknown territories and also how you face your fears. Everytime na umaakyat ako, iba-ibang lesson ang natutunan ko.At sa lahat ng akyat ko, I never forget to be grateful sa guidance na binigay ni God to make my journey safe and to all creations God allowed me to catch a glimpse of.
Naalala ko ung sermon ng isang pari about sa Transfiguration, and it really best described kung anong pakiramdam ko pag umaakyat ako ng bundok. Madalas na nasa bundok si Hesus para makipag usap sa Ama, at dito ang buong katawan niya ay napuno ng liwanag. Para sa akin kasi sa tuwing umaakyat ako ng bundok mas malapit ako kay God. At ramdam ko ang presensiya niya dahil malayo ako sa gulo at ingay sa ibaba sa siyudad at sa mga posibleng tukso at kasalanang pwede kong magawa. Yun nga lang minsan dahil natagpuan na natin ang comfort zone sa ituktok ng bundok parang ayaw na nating bumaba, kagaya ng inalok si Hesus nila Peter, James at John na tatayuan siya ng tolda dun.Buti tumanggi si Hesus. Paano kung hindi tumanggi si Hesus? Malamang hindi tayo naligtas sa kasalanan ngayon.Paano kung pinili niyang manatili sa bundok at maihanay kila Elijah at Moses? Wala tayong tatawaging tagapagligtas. Kaya naniniwala akong ganun din kaming mga mahilig umakyat na dapat pagkatapos namin mareceive ung joy and peace na nakuha namin sa itaas sana sa pagbaba namin un ang mairadiate naming light sa bawat makakasalamuha namin.
Kung sa community sobrang blazing yung fire of service natin pag galing tayo sa mga conferences dahil sa mga teachings and wonderful venues. The same goes with hiking for me, ganun din effect sa akin pagbaba ko I feel renewed and ready to say YES to what the Lord wants me to do. And I feel I fulfilled my mission in life, being atop my mountain of fears and struggles that it manifest in my approach to real dilemmas of life. For us mountaineers “Mountains are best venues to give glory and gratitude to our Creator God.”

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento