Gusto ko lang ihonor ang brother ko for being top 8 this grading period. Sobrang happy ako kasi tinuturing kong answered prayer ang pagiging top student nya despite sa pagkakaron nya ng absences dahil nagkasakit sya ng Hypo K. Naalala ko pa ung sinabi nya sa amin bakit di sya nagiging honor eh dahil puro repeater ang mga classmates nya. Tawa kami ng tawa, oo nga naman unfair for him dahil sila kabisado na ang mga subjects nila. Kaya di mapagsidlang ang tuwa ko na naging top 8 sya ngayon, during this tym na may computer na kami sa bahay palagi syang nakatutok sa computer pero nakita ko ung improvement nya sa interest na matuto kasi lagi nya akong kinukulit sa assignments nya at sa projects, At talagang nakikita ko syang hawak ang notebook at ballpen nya madalas…Lagi ko kasi syang kinakausap na dapat galingan nya na para makapag aral sya sa magandang school pag college nya.Bilang bunso namin mataas ang pangarap ko sa kanya, at sa palagay ko mukhang di naman nya kami bibiguin, in God’s grace and sa mga pangaral ko na din. Kaya naman may premyo sya sa Ate nya, at sana magpatuloy pa ang pagpupursigi nyang mag aral. Nakakatuwang isipin na encouragement at support para ang kelangan nya mula sa amin na kapamilya nya para mabago ang study habits and pananaw nya sa pag-aaral. Kaya payo ko poh sa mga parents, wag masyadong ipressure ang mga anak na maging magaling sa school, bagkus ay bigyang gabay at suporta sila at ipaliwanag ang kahalagahan ng edukasyon…
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento