Nung mag occular kami sa Mt Pico, sobrang dun ko narealize ang iyak ng ating mga kagubatan, Bakit kamo? Lahat na yata ng pag aabuso sa kalikasan eh makikita mong existing sa parteng un ng Mt. Palay Palay Range. Mula sa kaingin, quarrying, pagtrotroso, vandalism sa monolith, mga punong minarkahan at tinalian, at ang nagkalat na basura. Timing pa ang pagpunta namin dun, kasi kakatapos lang ng mga nagdaang malalakas na bagyo tulad ng Ondoy at Pepeng na sumalanta sa buong Luzon at Kamaynilaan, na nag iwan ng matinding pinsala sa kabuhayan at tirahan sa ating bansa. At ang weather, nung panahong iyon ay makulimlim pa, kaya kita mo ang luntiang medyo mapusyaw. Sa kalagayan ng Pico na isa sa napabalitang naapektuhan ng bagyo, bakas sa trail ang salanta ng bagyo, sa mga lubog na daan dahil sa putik at ang pag iba ng agos ng tubig mula sa kabundukan, at nag pagtaas ng level ng tubig sa Falls. Mga punong nakatumba at mga sangang nakalihis sa tindi ng hangin. Kahit sa ganitong kalagayan ng lugar, di pa din maitatanggi ang yaman ng lugar sa mga mailap na hayop at mga pambihirang puno at halaman. Nakakita pa nga kami ng ahas na yellow stripes nung mapadpad kami sa maling daan, na maliit lang naman pero kay bilis pa lang kumilos, at sa pagpasok mo pa lang sa bungad ng trail eh makakarinig ka na ng mga nagasagutang mga huni ng ibon at maging ng mga paniki pagsapit ng takipsilim. Isa pa sa nakakamanghang bagay na nakita ko dun ay ang puno na kung saan pinamamahayan ng napakaraming alitaptap..Na sobrang gandang tingnan sa kadiliman ng gabi. Sa tuktok ng bundok na to, tanaw mo ang kabuuan ng Cavite at Batangas pati na rin ang South China Sea, na walang kasing ganda, habang paikot ikot ang mga robin sa paligid, mga ibong di mo makikita sa Maynila. Ang buong kagubatan ay talagang kamangha mangha. Nang bumalik kami sa Pico matapos ang isang buwan, nagulat ako na kaya palang maghilom ng kagubatan ng ganun kabilis, at parang kay bilis magbagong anyo ng kalikasan.Hindi na maputik, bumaba na din ang level ng tubig sa mga ilog. Pero sa tingin ko, kelangan pa din nating simulan ang pagkilos sa pangangalaga sa ating kalikasan para sa susunod na henerasyon. Ngayon kahit sa simpleng paraan, sa pagkakaron ng disiplina na wag magtapon ng basura kung san san, nakita na natin ang epekto ng ating mga basura, malawakang pagbaha sa buong Maynila, sino ang may pakana? Tayo din kahit na gapirasong balat ng kendi, o upos ng sigarilyo, parte pa din kung bakit tumaas ang tubig sa Laguna de bay.Aantayin pa ba nating wala na talaga tayong magagawa, kaya proud ako sa mga Cavitenyong umaakyat sa Pico para magtanim?Sana tayong lahat makapagtanim ng puno, imbes na basura.Malaking bagay na yun para tumahan na si Inang Kalikasan sa kanyang pag-iyak ng saklolo.
wow ang galing,.
TumugonBurahinsalamat poh...=)
TumugonBurahin