Lunes, Disyembre 21, 2009

Just a Voice

id
id

Tagal ko nang gustong gawan ng blog tong confi ko, meaning (my confidant). Kaso sa dami na ng napagkwentuhan namin di ko alam san magsisimula. Binalak ko na syang gawan ng libro, on how to be a chick magnet.hehe… Akalain mo nga naman higit 1,000 hours na kaming magkaututang dila ng far away fren kong ito for 3 years. Nung makilala ko sya I know na lifetime friendship talaga ang natagpuan ko. I consider him as an answered prayer ni God sa makulit kong dasal sa kanya. Inakala ko pa nga nung una na sya ung padala niyang gift sa akin dito sa earth. Hindi naman pala, pero as my personal listener and may kuya( kahit na kaedad ko naman) sa kanya ko kayang isambulat ng buong buo ang pagkatao ko ng walang pag aalinlangan at di natatakot sa rejection and judgment niya. Well mapang alipusta din sa akin tong taong ito pero alam kong sa bandang huli wala na syang choice kundi tanggapin kung sino ako. Nagsimula ang friendship namin sa sobrang dami ng similarities namin and until now we are still counting sa mga pagkakapareho namin, kagaya nung mga quizzes sa facebook, pareho pa din kami ng results. As I recall ilan sa mga similarities namin ung our fascination sa ylangylang, Tagaytay, sa music, at sa same place na naging special sa puso namin ang Los Baños. Ang lugar kung saan una akong napahiwalay sa pamilya ko, pero mas nakita ko ang kagandahan ng kalikasan at namuhay ako sa simpleng paraan, walang masyadong pressure sa work at sobrang saya at gaan ng buhay. Sa part naman ni confi, doon sya nagcollege sa UPLB, hanggang 2nd yr college ng BS Economy. Kaya special sa amin pareho ang lugar na yun, walang puknat na kwentuhan kami sa lahat isyu, sa mgabuhay buhay namin, mga memories ng kabataan, mga experiences at mga bagay na kahit sa mga kaibigan ko di ko nasabi. Sobrang lalim ng pinagsamahan namin na sa pamamagitan lang ng tawag sa cellphone, not the normal way of communication pero sa ganung paraan mas nagkalakas kami ng loob na maging open sa isa’t isa. Sinasabayan ko sya pag uwi galing school, kinakantahan niya koa ng mga bagong compose nyang kanta, tapos babasahan ko sya ng mga compose kong tula. Magkukwento sa palpak kong lovelife, at siya sa hinaba haba ng listahan ng mga babaeng napaibig at napaiyak nya. Sa kwentong politics, sports, aktibista, mga prinsipyo sa buhay, faith kay God at sa mga chika sa showbiz, wala yata kaming pinalagpas na usapan kasama na ang laitan at tawanan maging iyakan at sigawan. Hindi man kami nagkikita ng personal pero kilala ng bawat isa ang mga mahahalagang tao pamilya o kabigan ng bawat isa. At dumating sa point na pinangarap naming maging magkapitbahay. Kaya lang malabo, nakuntento na lang kaming marinig ang boses ng bawat isa at nakikita lamang sa pamamagitan ng friendster ang latest pix ng bawat isa. Dumating din naman ang time na nagkita kami sa personal, una nung halos isang taon na kaming magkaibigan. Inisip ko na ung chemistry namin sa pag uusap sa phone malabong madala namin sa personal, baka magkailangan. Un nga ang nangyari, hehe. Kasma niya pa pinsan nya nun at ako kasama ko kaibigan ko. Nilibot nya kami sa buong Subic gamit ang kotse ng mama nya. Akala ko after nun, wala ng communication, hindi pala. We still got along well, hanggang magkita ulit kami kasama ko kapatid ko, ng mas kumportable na ako sa kanya. At nung 3rd time kasama ko naman kasfc ko. Funny pero last two year everytime na may gala kami palaging malapit sa location nya. Si God gumagawa ng paraan, ang lakas ko sa magdasal. This year lang yata kami di nagkita but it never took away the closeness we had. Maaaring naging busy na ako sa ibang bagay ganun din sya pero we still catch up pag may chance. Same intensity pa din ang friendship at communication, na akala ko eventually bigla na lang maglalaho. Kaya ngayon parang sigurado na ako if God allows na forever na ang friendship namin. Nawala na ung fear, ung worries na baka pansamantala lang syang ibibgay sa akin to be my listener and confidant. Sinong mag aakala sa pagiging just a voice in my life may mabubuong lifetime friendship. I always thank God he gave you to me.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento