Martes, Pebrero 9, 2010

Love One Another

Kagabi dahil napaaga ako sa DOST Bicutan, antayan ng shuttle papuntang work, di ko sinsadyang maulinigan ang isang usapan.Personally speaking talagang may takot ako sa mga MUslim at bilang Kristiyano i believe in Christian love.but that nyt a realization came to me, Don't tagged a person base on his religion/ethnicity, becoz all are capable of showing compassion and love in their own very special way. Ang kwento isang lalaking Muslim ang kinamusta kung ano na nangyari  sa babaeng duguan na dinala nya sa hospital, di nagtatapos sa pagdadala nya sa hospital ang kwento, nung walang pambili ng gamot ung babae sya na din ang nagshoulder nung bayad at personal nyang binili ung gamot.Come to think of it, kung ako un, malamang dinala ko ung gurl sa hospital pero dun na magtatapos lahat. Pero this Muslim take an extra effort para samahan ung gurl habang ginagamot ung sugat nya and offer his house nung magamot na sya dahil di sya pwedeng bumalik sa tinutuluyan nya dahil delikado sya. balak syang patayin nung humampas sa ulo niya.aAt pati pamasahe pauwi ng babae eh binigay nya na din at nagsabi pa syang kung kelangan mo ng tulong dito lang ako.
Bigla kong naalala ung kwento ng Good Samaritan, parang modern version tong kwentong narinig ko. And can't help but ask myself sa state of faith ko ngaun would I extend that same love and concern for someone I don't know.Ang hirap sagutin, baka kasi ako ung Levites na lalagpasan lang sya pag nakita ko dahil may lakad o pasok pa ko sa work.Maraming realization, na simula ngaun i will not judge all Muslims i will encounter in my life.dahil ang goodness ng isang tao ay di maididikta ng faith nila, its what within u, kahit araw2 sabihin sa mga teachings na love one another pero pag may humingi ng tulong sau at nagbingi bingihan ka lang, sayang ang pakikinig mo sa teachings kasi u never walk the talk.kaya ang goodness and kindness is much shown when we act compassionately to our neighbors.that is the greatest love Jesus teaches us.Love One Another

Linggo, Enero 31, 2010

Mt. Batulao Traverse(New Year 's Climb)




January2-3 2010, at Evercrest Golf Club, Nasugbu,Batangas
Trail: Ascend Old trail, Descend New trail
Campsite:Camp 6
supposed to be climb with my BENG_TUP classmates, become climb with my SFC friends and climbing friends.Sir Bong, Sir Abet, Sir Jojo,Sir Edison, Rick, Andy, Jordan, Beth2X, Doodan, Drey my sis, and myself

Lunes, Disyembre 21, 2009

Oh the Front Seat

Oh the front seat, oh the front seat
How I long to sit on your lap
As the bus is in the halt
How I waited for the day, work to end
To slide my back on your backrest
How I hurry and haste
To get on the bus rushing for your comfort
How I felt contented
Sitting just behind the driver
Assuring I can safely sit back and relax
How I compete with other passenger
To be seated on my throne of peacefulness
How contended I became
When I finally rest myself on your fullness
how I see the beauty around me
The greenfields, the mountain and the sky
How I find satisfaction
Just leaning on the window
Breathing deeply breathing the afternoon delight
Closing my eyes gently
Wandering in a place, I can never be
If I am not seated in my favorite place on earth
Oh the front seat, oh the front seat.

My poem when I was riding shuttle bus in IRRI in Los Baños to catch a glimpse of Mt. Maria Makiling

Morning Dew

Morning Dew

When I’m near you
My heart beats fast
Considering you as an excellent view
But all of my dreams had turn to dust

As you left me here all alone
I’ve realize more of your importance
Without your presence, I’m all but gone
I can’t overcome any kind of hindrance.

And as time goes by
I’ve learn to accept
Life will continue if I’ll try
To treasure you in my heart’s depth.

Memories are all cherish
Dreams are being fulfilled
Studies and task are being finish
My love will remain stand still.

Then you come back
To say the word you missed
Now you have the confidence to knock
My heart with all you’re kissed.

I’ll forgot all times of tears
You and I surely knew
To face the problem without fears
Like a dawn with morning dew.


My first poem...2nd yr highschool for my longtime crush

Just a Voice

id
id

Tagal ko nang gustong gawan ng blog tong confi ko, meaning (my confidant). Kaso sa dami na ng napagkwentuhan namin di ko alam san magsisimula. Binalak ko na syang gawan ng libro, on how to be a chick magnet.hehe… Akalain mo nga naman higit 1,000 hours na kaming magkaututang dila ng far away fren kong ito for 3 years. Nung makilala ko sya I know na lifetime friendship talaga ang natagpuan ko. I consider him as an answered prayer ni God sa makulit kong dasal sa kanya. Inakala ko pa nga nung una na sya ung padala niyang gift sa akin dito sa earth. Hindi naman pala, pero as my personal listener and may kuya( kahit na kaedad ko naman) sa kanya ko kayang isambulat ng buong buo ang pagkatao ko ng walang pag aalinlangan at di natatakot sa rejection and judgment niya. Well mapang alipusta din sa akin tong taong ito pero alam kong sa bandang huli wala na syang choice kundi tanggapin kung sino ako. Nagsimula ang friendship namin sa sobrang dami ng similarities namin and until now we are still counting sa mga pagkakapareho namin, kagaya nung mga quizzes sa facebook, pareho pa din kami ng results. As I recall ilan sa mga similarities namin ung our fascination sa ylangylang, Tagaytay, sa music, at sa same place na naging special sa puso namin ang Los Baños. Ang lugar kung saan una akong napahiwalay sa pamilya ko, pero mas nakita ko ang kagandahan ng kalikasan at namuhay ako sa simpleng paraan, walang masyadong pressure sa work at sobrang saya at gaan ng buhay. Sa part naman ni confi, doon sya nagcollege sa UPLB, hanggang 2nd yr college ng BS Economy. Kaya special sa amin pareho ang lugar na yun, walang puknat na kwentuhan kami sa lahat isyu, sa mgabuhay buhay namin, mga memories ng kabataan, mga experiences at mga bagay na kahit sa mga kaibigan ko di ko nasabi. Sobrang lalim ng pinagsamahan namin na sa pamamagitan lang ng tawag sa cellphone, not the normal way of communication pero sa ganung paraan mas nagkalakas kami ng loob na maging open sa isa’t isa. Sinasabayan ko sya pag uwi galing school, kinakantahan niya koa ng mga bagong compose nyang kanta, tapos babasahan ko sya ng mga compose kong tula. Magkukwento sa palpak kong lovelife, at siya sa hinaba haba ng listahan ng mga babaeng napaibig at napaiyak nya. Sa kwentong politics, sports, aktibista, mga prinsipyo sa buhay, faith kay God at sa mga chika sa showbiz, wala yata kaming pinalagpas na usapan kasama na ang laitan at tawanan maging iyakan at sigawan. Hindi man kami nagkikita ng personal pero kilala ng bawat isa ang mga mahahalagang tao pamilya o kabigan ng bawat isa. At dumating sa point na pinangarap naming maging magkapitbahay. Kaya lang malabo, nakuntento na lang kaming marinig ang boses ng bawat isa at nakikita lamang sa pamamagitan ng friendster ang latest pix ng bawat isa. Dumating din naman ang time na nagkita kami sa personal, una nung halos isang taon na kaming magkaibigan. Inisip ko na ung chemistry namin sa pag uusap sa phone malabong madala namin sa personal, baka magkailangan. Un nga ang nangyari, hehe. Kasma niya pa pinsan nya nun at ako kasama ko kaibigan ko. Nilibot nya kami sa buong Subic gamit ang kotse ng mama nya. Akala ko after nun, wala ng communication, hindi pala. We still got along well, hanggang magkita ulit kami kasama ko kapatid ko, ng mas kumportable na ako sa kanya. At nung 3rd time kasama ko naman kasfc ko. Funny pero last two year everytime na may gala kami palaging malapit sa location nya. Si God gumagawa ng paraan, ang lakas ko sa magdasal. This year lang yata kami di nagkita but it never took away the closeness we had. Maaaring naging busy na ako sa ibang bagay ganun din sya pero we still catch up pag may chance. Same intensity pa din ang friendship at communication, na akala ko eventually bigla na lang maglalaho. Kaya ngayon parang sigurado na ako if God allows na forever na ang friendship namin. Nawala na ung fear, ung worries na baka pansamantala lang syang ibibgay sa akin to be my listener and confidant. Sinong mag aakala sa pagiging just a voice in my life may mabubuong lifetime friendship. I always thank God he gave you to me.

Biyernes, Disyembre 18, 2009

My First Fly

id
id
id
On the 20th of February 2009, I was awakened not by the alarm of my cell phone, at 3:00am in the morning. Anticipation and excitement are wheeling my eyes to open at that moment. Our flight schedule is 6:30am but we must arrive two hours early. We are flying to Cebu for the ICON SFC. We meet up at HBC C5 at past four in the morning.
And we headed to the airport by taxi cab at the NAIA terminal 3.Upon arrival we claim our ticket finding out I didn’t bring any valid ID. A big mistake on my part, several thought are already cajoling my mind that time What if the personnel won’t allow me to go without my valid ID? But the other part of my mind says “No matter what I will be on the plane.” And as smoothly as it is, the airline personnel just see our online ticket without looking for valid ID. And voila we are heading to the departure waiting area. As we are all seated, on the waiting area, we never ceased the moment to take pictures, as evidence of our first fly. But we heard a voice over saying our flight has been delayed for 1 hour I think. We don’t mind as long as it is never cancelled. Finally after hours of delay, we already see the daylight at the airport we set foot on the plane. Luckily I was positioned at the window side which means I’ll be able to see the view outside while we are flying. That make me excited, when the plane start to take off I feel myself relaxing. The elevation of the plane little by little upward is very smooth, that ease my fears away. And the view outside started to amaze me in a way I never imagined this would look on the top view of all the islands, clouds, houses who look like a miniature used by civil engineers in representing their proposed project. The magnificent view never fail to amaze me, all the Wow I can master are all speak of. It was all so lovely that you realize how insignificant we are compare the vast beauty around us. We are just molecules in a solid matter, or a pixel in a computer, a water vapor in seawater, that small we are yet so special to our Creator that he knows every detail of our existence, the number of our hair strands, and every move we make that’s how great our God is. Thanks for that realization during my first fly.

Huwebes, Disyembre 17, 2009

Simbang Gabi na...

Simbang gabi na…3 gabi na akong kulang sa tulog…Ibig sabihin 3 nyts na akong nagsisimbang gabi.Buong December nakipagchange shift ako para (A shift lang ako sa work) para makaattend ng simbang gabi kahit pumapasok sa school at work.And my long wait is over. Ramdam na ramdam kong palapit na palapit na ang araw ng Pasko tuwing nagsisimba ako. Ang simoy ng hangin sa gabi at madaling araw ay talagang lumalamig na, pati na din ang nagliliwanagan Christmas lights sa mga tahanang nadadaanan namin papuntang simbahan ay talagang nakakawiling masdan. Pati ang mga bituin sa langit ay kay sarap tingalain, ewan ko ba pakiramdam ko kasi mas maliwanag ang mga stars pag sumasapit na ang December.
Mula pa nung mag high school ako, sinimulan ko ng maging bahagi ng Pasko ko ang pagsisimbang gabi, hanggang mag college at ngayong working na ako, hindi na ako huminto sa pagkumpleto ng NOVENA mass na ito o mas kilalang Misa de Gallo. Nung una gusto ko lang talagang matupad ang mga wish ko para sa susunod na taon, sa totoo lang hindi ko na napapansin kung talagang may natupad ba sa mga wishes ko, pero iba ung sayang hatid sa akin tuwing nakakapagsimbang gabi ako. Ung mga wishes ko kasi madalas naman eh prayer ko din o ung mga tinatawag kong long term dreams (in layman’s term) kaya di ko sure kung natupad ba? Hanggang sa dumating sa point na mas lumalim na ang pag unawa ko kung bakit ako nagsisimbang gabi, para sa akin ang pagpunta gabi gabi sa simbahan ay mumunting sakripisyo lang natin bilang pasasalamat sa pagdating ni Jesus Christ tuwing pasko sa ating mga tahanan upang magbigay kagalakan at peace of mind sa bawat isa sa atin. Iba talaga ung sense of fulfillment at ambiance ng Pasko para sa akin na lalong pinagtitibay ng pagsisimbang gabi.Sacrifice dahil imbes na nasa comfort ka na ng ung tahanan watching PBB o Shining Inheritance. 9 na sunod-sunod na araw kang nasa simbahan imbes na natutulog na o nanonood na paborito mong palabas sa TV. Sa siyam na araw masasariwa mo ang pinagmulan ni Hesus na angkan hanggang sa pagdalaw ni Maria kay Elizabeth hanggang sa isilang si Hesus sa sabsaban. Ang simbang gabi pagdiriwang sa pagdating manunubos, upang muling ihanda ang ating puso at isipan muling tanggapin sa iyong buhay si Hesus at irenew ang ating pananampalataya sa Diyos.
Mas maiintindihan mong wala sa mga regalong matatanggap mo, sa mga party na aatendan mo, at mga bagong damit na mabibili mo sa bonus ang kaligayahan hinahanap mo buong taon kundi sa muling pagbubukas ng yung puso sa pagdating ng ating tagapagligtas mo lang makakamtan ang tunay ng kasiyahan, sa pagdiriwang ng darating na Pasko. Ang pagsasama ng bawat pamilya sa buong mundo, ang pagkakasundo at pagpapatawaran ng mga may alitan, ang pagbibigayan ng mga regalo at ang panahon ng pagmamalasakit sa mga kapuspalad, ilan lamang sa mga diwang hatid sa atin ng Pasko. Bilang Kristiyanong Pilipino, masaya na akong kasama ang buong pamilya sa pagkain ng noche Buena, dun ko muling nadaramang malapit sa puso ko si Kristo lalo na pag binigyan pa ako ng pagkakataong makatulong sa mas higit na nangangailangang maramdaman ang pagmamahal ni Kristo, nais kong maging instrumento upang magbigay saya sa mga bata at maging sa mga pamilyang kapuspalad dahil nasalanta ng nagdaang bagyo. Ang makatulong sa kapwa , maging volunteer, mag outreach at magserve sa Gift giving sa mga bata ang pinaka kaligayahan ko ngayong Kapaskuhan. Ang ibalik ang pagsasakripisyo ni Hesus sa pamamagitan ng pagserve sa kapwa at pagtulad sa kanyang gawa. So help me God.