
Isang hapon matapos ang pag aaply ng trabaho sa Maynila at QC. Naisipan naming dumaan sa madalas pagfield tripan nung elementary pa kami.Ang Rizal Park o mas kilala sa tawag na Luneta. Nung panahon ng dekada otsenta at nobenta ay sikat na pasyalan at lugar kung saan maraming nagdadate nag aantay ng paglubog ng araw sa Manila Bay. Ngayun kasi sa MOA na madalas mamasyal mga lovers dun sa likod harap ng Manila Bay, marami kasing bar and resto dun facing the bay. Malaki na din ang pinagbago ng Luneta, para sa akin mas gumanda ito ngaun kumpara sa pagkakatanda ko nung bata pa ako. Pasyalan kasi namin ung playground dun na ang bayad ay 5php entrance, sa ngaun ay 10php na ang entrance, papasok sana kami pero tumuloy na lang kami paglalakad papunta sa monumento ni Rizal. Sa daan una naming natanaw ung mataas na rebulto ni Lapu-Lapu, ang ganda nyang masdan background ang kalangitan.Xempre pa di namin nakalimutan magpakuha ng picture.Pati na background and Department of Tourism building at ang mga nag gagandahang mga puno at greens sa paligid.Di din namin pinalagpas ang bench at ang mga tindahang Bahay Kubo na may kanya kanyang theme at disenyo ng mga bulaklak. Pati sa bukana ng Orchidarium ay nagpapicture kami ay solo pic lang pala kasi 2 lang kami.Salitan. Nakakita kami ng mini train at nagpapicture kasama c Kuyang tulog at sa di kalayuan kasama ang kabayo na may takip sa gilid ng mata. Di namin pinalagpas, pumayag naman ung kutsero nya.Bibida ung kabayo nya.hehe.Pati sa Japanese Garden, Pedxing, at kahulihan ung monumento ni Rizal sa dulo ng Park na dating pwede mo pang lapitan kahit may gwardiya.Ngayun kasi may mga harang na nakapalibot sa kanya. Di ka na makakalapit tlga.Nung nakapwesto kami dun ay mga foreigner na namamasyal din kagaya namin, xempre papicture wid dem.Nakisama pa c kuyang photographer sa pix wid the foreigner.

After ng Luneta picture taking, ang pinakahighlight ng araw ay ang pagpunta namin sa Manila Cathedral, kung saan pagdating namin ay kakatapos lamang ng kasalan.Nasa bukana sila ng simbahan, may picture taking.Akala ko nung una, bawal pumasok pero sinubukan namin kasunod ang mga madre. Namangha ako sa ganda ng loob, pangatlong simbahan na napuntahan ko na may aircon, at sobrang haba ng isle.Long red carpet, sarap ikasal dun may malaking image ni St. Peter sa gilid. At sa harapan ay ang image ni Virgin Mama Mary. Maya maya pa ay sinimulan na ang misa.Misa pala un sa 25th anniversary of being priest ni Father Julius and laking gulat ko na kasama sa mass celebration c Bishop Bacani at Archibishop Rosales.Wow ang swerte naman namin.Kaya kahit gahol na sa oras dahil may pasok pa ako sa work ay tinapos ko ang mass.Ang ganda ng homily ni Archibishop Rosales, kung tatay ka daw ilan ang anak mo at ano ang narrating nila un ang accomplihshment mo in lyf, pero pag pari ka wala ka tlga matatawag na sumthing to celebrate???kundi ang faithfulness at fidelity mo in serving Christ despite ur weaknesses.Kaya nga sabi ni Father, Lord’s power is at its best in our weakness. Tama un kasi kung kaya na natin malamang limot na natin c God. Since first time ko sa Manila Cathedral eh nagwish ako.Sana matupad. Ang irony kasing edad namin ni besfren ung year of service ni Father kay God, kaya I tend to ask sa loob ban g taong nabubuhay ako, do I serve him??. Hindi kagaya ni Father. Amazingly c Father Rosales ay 52 yrs na in priesthood.
Kaya ako I still can say, I love Manila, sa kabila ng traffic, ng ingay, ng gulo, ng unsafe feeling, pollution, ng dami ng tao. Di mo kelangan makarating sa Boracay, Palawan, Bohol o Baguio to enjoy and find happiness and peace. Kasi at the heart of Manila, marinig mo lang ang choir ng Manila Cathedral tanggal na ang stress mo, and you will find peace and Makita mo lang ang beauty ng Luneta with its greens and trees you will be happy. Xempre kasama ang taong mahalaga sau. Try nyo din minsan magchurch hopping at stroll sa Luneta with ur family or frens.